Sa aming pagpasok sa parihabang sinasayawan ng makulay at lila
Tumatambad sa amin ang galak ng katauhang pinagdiriwang mabuhay
Kami ang lupon na baliko, mga anak na iba ang hubog, pero'ng may busilak na puso
Subalit sa gitna ng kilusan; mga salitang taglay ay istoryang may luha't dinungisan
ang parusa sa makataong hindi tao sa mata ng ibang tao
Ganito na ba tayo sa lupang mahinahon?,
na ang payapa ay kamit, ang ligaya'y sumalangit, at tuwa'y lagpas labi
sa paghugas sa lahing parehas at iba ang damdamin?
Sa aming paglabas sa parihabang tinulugan ng pula,
may tulo ng buhay na parang kay Hesus na nagpawalang-sala
at sa salita ng naniniwala talaga sa kanya,
ang Anak ay pinaslang ng kapwa niya pareha
©The Pink Merman
Pacific-Atlantis Mermen Journal
Read the Pink Merman's copyright and other reminders.
No comments:
Post a Comment
Feedbacks and constructive criticisms are highly encouraged. Keep in mind, however, that this blog does not portray itself as a legitimate source of factual information like recognized news agencies but as an avenue to practice journalism.