Wednesday, January 27, 2016

Spoken Word Series: Ang Posporo sa Gitna ng Taglamig

Ako si Niyebe

Ako ay nakatira sa puso mo

Ako ang katauhan mo na iniiwasan mo

Ako ang pag-ibig na pilit mong pinapadating


Ako ang kalungkutan na dumadating sa iyong pagyakap sa unan

Ako ang libog na naging pag-ibig ngunit kahit na natuto ay nabigo ng paulit-ulit

Ako ang tahimik na parte ng isang madaldal na talakera

Ako ang hopeless romantic na sa kissing scene lang umaasa na sana may magmahal din sa akin

Ako si Niyebe

At ako ay nalulungkot

Ako si Niyebe na nagbebenta ng posporo sa gitna ng tag-lamig

Pero bakit nga ba ako nagbebenta ng posporo sa gitna ng tag-lamig?

Dahil alam ko... alam kong nanlalamig ka na sa akin

Dahil sa isang pagsindi

At ako'y maglaho

Alam ko, Alam ko

Wala ka nang pake sa akin

Dahil sa isang pagsindi

Masaya ka

Ngunit ako nama'y hindi

Dahil sa isang pagsindi

Sanay na ako

Sa paglimot mo sa akin...

Bakit nga ba ako nagbebenta ng posporo sa gitna ng taglamig?

Dahil alam ko... alam kong mahal kita, mahal pa kita, mamahalin pa rin kita

Kahit hindi mo na ako mahal

Bakit nga ba ako nagbebenta ng posporo sa gitna ng taglamig?

Dahil sa katiting na pag-asang iyon

Naniniwala ako, nangangarap ako

Na kailangan mo pa rin ako

Ako si Niyebe

At ako ay nalulungkot

Ngayong alam mo na ang dahilan,

Mahal mo pa ba ako?



Performed on 23 at Imaginaccion launching.

©The Pink Merman
January 20, 2016
Pacific-Atlantis Mermen Journal


Read the Pink Merman's copyright and other reminders.

Popular Posts