Wednesday, January 27, 2016

Spoken Word Series: Ang Tulang 'Di Maaaring Balikan

Ito ang unang tulang di ko maaaring balikan
tulad ng nararamdaman ko para sa'yo
noong una tayong magkakilala


Ito ang unang tulang di ko maaaring balikan
dahil masakit harapin ang nakaraan

Ito ang unang tula na sana'y tungkol sa
istorya nating dalawa

Ngunit mahal ko,
iniwan mo akong bigla

Ito ang unang tula... HINDI. Ito ang unang tula na
parehas ng ibang tula na aking ginawa

Puno ng galit, puno ng sakit at
nabahidan ng pawis... luha

Ito ang tulang sana'y may kahulugan
ngunit tulad ng pag-alis mo
Ang mundo ko'y nawalan ng pakinabang

Ito ang tulang sinulat ko
habang kumakain ako

Hindi ako mabusog, di ako mapuno,
di ako kumpleto

Kasi matapos nguyain ay
parang tinae mo na lang ako
Tulad ng tulang ito na mas mabaho pa 
sa tae at dapat itapon
tulad ng pagtapon mo sa buhay mo

Ito... ito siguro yung klase ng tula na
pahahabain ko na lang
tulad ng ginawa ko sa alaala nating dalawa

Pero kahit anong mangyari
Di ko isusulat ang tulang ito
para pagtakpan ang nakaraan
nating dalawa
Na parang sa mga oras na 'to
ay wala na lamang halaga

Ito yung unang tulang aking sinulat
na nagpakirot sa aking kalamnan
at puso habang aking sinasalaysay

Iba sana yung nakasulat sa
tulang ito

Ito dapat ay isang tula ng pag-ibig,
pambansa o para sa kinabukasan
ng kabataan at hindi pansarili lamang

Pero isang gabi ay minungkahi
sa akin ng Amang Maykapal
na hayaang sumayaw
ang kamay sa tambol ng aking puso

Ang problema ay wala na akong
pusong natitira
dahil ako'y mag-isa na lamang

Ito kasi yung tula na dapat ay may aral,
may nakakatawa, interesante
at may dangal

Pero wala na, tulad ko'y ubos na

Siguro pangit na kung pahahabain pa
kaya tapusin na natin

Ito ang unang tula na isinulat ko sa
Tagalog

Walang saysay, walang kahahantungan,
Walang pinaglalaban at walang
kalaman-laman

Pero ito lang ang masasabi ko...

Sa araw na mamatay ka

Pati ang galing at interes ko sa
pagsulat

Ay isinama mo sa hukay...

Salamat

Pero paalam na, Mahal.



Goodbye, Sev's Cafe. A poetry hub. A place of comfort. Yet I was not able to deliver even once.

©The Pink Merman
September 13, 2015
Pacific-Atlantis Mermen Journal


Read the Pink Merman's copyright and other reminders.

Popular Posts